Tomo 6
Numero 3
October 2004

Home About Us Site Map Contact Us Archives

Baby boom sa showbiz (part 2)

Parang in na in ang pagiging preggy sa showbiz ngayon. Nanganak na si Shawie via caesarian last September 3 to a healthy baby girl named Mariel Sofia. Naaliw nga ako kasi nung araw na ininterbyu si Senador Kiko Pangilinan kung ano magiging name ng anak nila, at sumambulat sa kanyang bibig ang pangalang Sofia, natuwa talaga ako kasi biruin niyo, sa dami ng pangalan sa mundo, pareho pa kami ni Sharon ng magiging 2nd name ng anak. Sa akin naman, Antonia Sofia or Sophia kapag babae.

Ngayon na five months on the way na ako, di pa rin ako nagpapa-ultrasound para malaman ang gender. Kapag boy ang aking magiging anak, Marcus Antonio ang name pero puwede pang magbago. Nanganak na rin si Ruffa, ahead of her due date na dapat end of September pa. Girl din ang anak niya na ang pangalan ay Venice. 5.2 lbs lang ang anak niya. Kaya pala up to the time of birth ay sexy mom pa rin si Ruffa. Dito sa Pilipinas magpa-Pasko si Ruffa kaya pagpipiyestahan ng media tiyak ang kanyang pagdating kasama ang new baby!

Nanganak ni rin si Donita Rose, ang best buddy ni Ruffa, noong July 22 sa Singapore. Baby boy naman sa kanya named Joshua Paul or JP, weighing 7.14 lbs at birth. Sa ngayon, Donita proudly says that she has lost 40 lbs. since she gave birth. Babalik siya sa Pinas soon, kapag sexy na siya ulit after she loses more weight.

All of these showbiz mothers are currently breastfeeding their newborns. Si Sharon, di muna nagpapa-interview at nagpapa-picture just before and after manganak kasi magpapapayat muna daw siya. Si Donita on the other hand, nagpa-cover pictorial pa siya a week after she gave birth kahit medyo chubby pa, pero maganda pa rin.

Malapit na ring manganak si Matet. This month na rin yata. Di lang ako sure if boy or girl kasi medyo low profile si Matet. Last na nakita ko siya ay sa Rustanís sa may Edsa. Mukhang girl ang baby niya. Sabi nila pag maganda magbuntis, girl daw ang magiging anak. (Nanganak na si Matet noong September 19 sa St. Lukeís Medical Center ng isang babae na papangalanang Ma. Michaela Alexine. Ang timbang ng bata ay 6.7 lbs. at may habang 49 cms. Ė Ed.)

Bakit nga ba malapit sa puso ko ang topic ng pagbubuntis? Kasi preggy rin po ang inyong lingkod. At alam ko ang pakiramdam ng isang celebrity mom. Tuwing nasa public place ako, like sa mall, kapag nakikita ako ng tao, automatic na titingin sila sa tiyan ko. Ang iba, hindi makapigil ng sarili sa paghawak sa tiyan ako. Yung iba naman, medyo insensitive ay magko-komento pa ng "Ang taba taba mo!"

Hello? Meron bang buntis na hindi man lang tataba? Ako naman, mega-explain sa kanila kung bakit natural sa buntis ang tumaba. At ngayon, sinasbi ko na sa kanila na, "Dapat nga matuwa pa kayo sa akin at i-congratulate ninyo ako kasi magkaka-baby ako and I will be bringing forth a new life to this world, lugar na mamintas!"

Hay naku, sabi nga ni Sharon sa akin, at least ngayon ko lang na-experience na masabihang mataba. Dahil siya, habangbuhay na yata niya naririnig yun. Kaya pabayaan ko na raw ang mga taong insensitive. Yan ang buhay sa limelight: Kapag nakikita ka sa TV o pelikula, akala ng mga tao ay puwede na nilang sabihin sa iyo kahit ano. Hay naku talaga!  Yung iba naman, super excited lagi magpa-picture sa akin para may remembrance daw sila ng pagbubuntis ko.

Of course, di natin maiiwasan na pag-usapan din ang tsismis (tsismis pa lang while Iím writing this, ha.) na two months on the way na raw si Claudine Barreto. She has neither confirmed nor denied this yet, basta ang alam ko, yung role niya sa Marina ay kinasal na kaya soon enough ay magiging mother din di ba?

At si Madam Auring ha! Ayaw magpadaig ng lolah mo! Nabuntis din daw siya ngunit nakunan lang after two months! Siyempre ang daming di makapaniwala. Di ba 64 years old na raw si Madam? Puwede pa ba yun? Baka naman wala pa siya sa menopausal stage. Give her the benefit of the doubt, ika nga!

And just days after Madam Auring declared na nakunan siya, si AiAi de las Alas naman ang na-tsismis na buntis din! Pero palaisipan pa rin kung sino ang ama if ever preggy nga siya! Nakakalokah ang mga twists and turns! Thatís showbiz for you, my dears! With that, I bid you Sayonara! And I will see you again soon!

 

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kwento | Beauty | ATBP | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Tete-a-Tete with Tintin | Star Files | Movie Review | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.