Tomo 6
Numero 5
December 2004

 

Home About Us Site Map Contact Us Archives
Ni Pilar Mateo

Ai Ai at Edu, may ‘generation gap’


Ai Ai delas Alas

Hindi na pala magkasama sa dressing room nila sa "MTB" ng ABS-CBN ang na-link sa isa’t isa na Queen of Comedy Concert na si Ai Ai at ang kanyang kinagiliwang tawaging ‘Habibi’ na si Edu Manzano.

Diumano’y nagpa-lipat ng sarili niyang dressing room ang aktor na ama ni Luis o Lucky Manzano at naiwan nga sa dating dressing room sina Ai Ai at co-host din nilang si Arnell Ignacio.

Ikinababaliw nga raw ni Ai Ai ang pagi-inarte ngayon ni Edu. Kaya inisip na lang ng Comedy Concert Queen na nagkaroon ng "Two Solos One Concert" with Erik Santos noong November 27, 2004 sa Araneta Coliseum, na baka nga tumatanda na o nagkaka-edad na si Habibi niya kaya hindi maiwasang sa puntong ito eh, magkaroon na sila ng tinatawag na ‘generation gap’.

Minsan daw kasi, talagang maingay at magulo sila ‘pag nagsama sa kanilang dressing room. Gaya nung may kung ano silang instrumentong pinaglalaruan at tinutugtog.

Sabi naman namin kay Ai Ai, baka naman ang kasunod nang maging peace offering sa kanya ni Edu, gaya nung minsan silang magkatampuhan at bigyan siya ng diamond necklace eh, bracelet na.

Sabi ni Ai Ai, kailangan daw na mas mahal na sa una nitong ini-regalo sa kanya ang dapat na ibigay sa kanya ni Habibi.

Thankful na lang si Ai Ai dahil continuous pa rin ang pouring ng blessings into her life. Kaya kahit wala muna raw lovelife ang ‘tanging ina’, happy na rin siya dahil matitino na ring lumalaki ang kanyang mga anak.

***

Hindi naman tinupad ng aktor na si Jomari Yllana ang tinuran nito on national TV na walang katotohanan ang mga balitang lumabas na hindi siya magpo-promote ng kanyang pelikulang "Minsan Pa" kung kasama si Ara Mina (na kasama niya sa pelikula) kaya wala siyang hindi pupuntahang promo nito.

Ang press conference para sa isang pelikula eh, isang paraan ng promotions. Kaya, iisa ang nasabi ng members of the press nang hindi dumating uli si Jomari sa second press conference para sa pelikula kung saan nagbabalik siya after a very long time. Si Ara lang, kasama sina Dulce, Malu Barry at Christian Vasquez, ang humarap sa media.

Awang-awa si Ara sa kanilang producer na si Atty. Joji Alonso dahil napaparatangan pa itong gumi-gimmick para maibenta ang pelikula nila.

Napaiyak na lang si Ara sa magagandang salitang ibinigay sa kanya ng kasamang si Dulce sa pagiging matatag at strong niya na sa kabila ng nangyayari sa relasyon niya with Jomari, kinakaya pa nitong harapin ang mga tao alang-alang sa kanyang trabaho.

Kung nasaan na ang relasyon ng dalawa? Sabi ni Ara sa mga tanong sa kanya kung makikipag-balikan nga ba siya kay Jom kung tototohanin nito ang sinabing tatawagan siya at kakausapin – nagtatalo pa rin daw ang puso’t isipan niya. Pero kailangan na raw ni Ara na mag-move on kesa hintayin pa kung kelan maiisipan ni Jom na kausapin siya!

***

After five years naman, muling bumabalik sa pelikula ang nakilala as child actor na naging comedian na rin at dramatic actor na si Roderick Paulate sa pamamagitan ng "Pasiyam" ng sariling production outfit ni Dondon Monteverde, ang Reality Films.

Pinangatawanan ni Dick ang ipinangako sa sarili na kung hindi rin lang matino o maganda at maayos ang script na ibibigay sa kanya eh, mananatili na lang siya sa pagsalang sa TV. He’s a regular sa "Ang Tanging Ina" sa ABS-CBN at manaka-nakang nagda-drama sa "Maalaala Mo Kaya" (kung saan ilang beses na siyang itinanghal na Best Actor sa Asian TV Awards) at iba pang mga programa.

Kaya, nang dumating sa kanya ang script ng "Pasiyam," napukaw agad siya ng tema nito tungkol sa pamilya at sa relasyon ng isang ina sa kanyang mga anak na nagkaroon na ng mga sarili nilang mga buhay.

Marami na nga ang nagsabi na puwedeng panlaban sa international market ang nasabing pelikula. Trailer pa lang, marami na ang humanga sa acting ni Dick. At ‘yun namang poster nila, foreign movie ang dating at talaga namang kikilabutan ka na dahil ramdam mo na ang gustong ipahiwatig ng nasabing pelikula.

Thankful si Dick sa kanyang direktor na si Erik Matti, na hindi rin matatawaran ang kahusayan sa pagdi-dirihe. Kaya ang pakiusap din ni Dick, isa ito sa mga pelikulang kailangan talagang tangkilikin ng mga manonood, lalo pa nga at sinasabing dying na ang industriya ng pelikula sa bansa.

If there’s one person na talagang magiging masaya sa tinatamasa ni Dick sa ngayon, walang iba ito kundi ang kanyang dakilang amang 24 years nang bumalik sa kanyang Creator. Kaya ngayon, ang Mamang niya ang isang malaking inspirasyon ni Dick sa ikot ng kanyang buhay.

 

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kuwento | Beauty | Buhay OFW | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Showbiz ka ba | Star Files | Tell no Tales | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.