Tomo 6
Numero 5
December 2004

 

Home About Us Site Map Contact Us Archives

Marami na ang nabubuwisit
kina Archie Alemania at Mickey Ferriols

Ayon sa malamig na simoy ng hangin lalo na sa umaga, malapit na malapit na talaga ang araw ng Pasko. Sabahin man na "walang pera" ang mga tao ay hindi maaaring hindi ipagdiwang ng mga tao ang araw na ito. Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo ng maligayang Pasko!

***

Marami na ang naiinis kina Archie Alemania at Mickey Ferriols. Nag-iinarte raw ang dalawang ito dahil kahit buking na buking na ang kanilang relasyon ay pilit pa ring itinatago nila ito sa mga manonood. Buwisit na buwisit tuloy ang mga audience ng "MTB Ang Saya Saya" kaya lumilipat na lang sa iba.

Parati raw nakikitang nagde-date ang dalawa at nagsasama na raw ang mga ito sa isang condo ayon sa nga nakakakita.

Bagama’t napaka-ganda ni Micky sa "MTB" marami naman ang nabubuwisit kay Archie dahil sa kayabangan nito. Minsan nga ay pinanood ko siya, nagulat talaga ako kung paano niya tratuhin ang isang contestant.

Mag-iingat ‘tong Archie na to sa kayabangan niya.

***

Matagumpay si Ynez Veneracion sa kanyang mga raket kaya napakaganda ng kanyang naipatayong bahay. Pabalik-balik raw ito sa Japan kaya bukod sa naipatayong bahay ay may mga negosyo na raw na nasimulan ang dalaga. Bunga raw lahat ito ng kanyang pagpupunyagi sa buhay.

Kaso, muli na namang pumoporma sa kanyang buhay ang dati niyang pag-ibig na si Mon Confiado. Marami ang nakakakita kay Mon sa kanyang bahay at minsan ay magdamagang nananatili doon ang binata.

"Magkaibigan na lang kami ni Mon at kung sakaling nakikita siya sa bahay ay dinadalaw lang niya ako bilang kaibigan, ganoon lang," paliwanag ni Ynez.

***

Si Jodi Sta Maria na ang gaganap na "Kampanerang Kuba." Si Judy Ann Santos originally ang dapat na gaganap bilang kampanera, pero inamin ng aktres na hindi na niya kakayanin dahil sa dami ng proyektong dapat niyang gawin.

Alam naman ni Juday na kayang gampanan ni Jodi ang role bilang kampanera na originally ginampanan at pinasikat ni Vilma Santos noong seventies.

***

Magsasampa ng kaso ang mga Calendar Boys dahil hindi raw sila sapat na binayaran ni JC Castro na siya diumano ang nag-mamanage sa mga Calendar Boys. Tapos na ang kanilang unang project na kumakalat na sa ibang bansa at sa Pilipinas pero hindi pa raw sila binabayaran. Kaya naman panay ang ikot nila sa iba’t ibang stations para magreklamo.

Tarantang-taranta din si JC magpaliwanag sa mga nangyari kaya hindi malaman ng mga CB kung ano ang kahihinatnan ng pagbubukangkang nila sa nasabing kalendaryo.

***

Isa pang panay ang paliwanag sa TV ay si Vandolph Quizon kung saan nambugbog ang mga pamangkin niya sa isang bar.

Itinakbo sa hospital ang dalawang nabugbog na pamangkin ni Vandolph at pinag-aaralan pa kung magsasampa ng reklamo ang grupo na kanilang binugbog.

Nagsimula lang diumano ang sapakan nang masanggi ng grupo si Vandolph at magkatitigan ang mga ito. Kaya mga kababayan, mag-ingat sa makikipagtitigan sa mga artista.

 

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kuwento | Beauty | Buhay OFW | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Showbiz ka ba | Star Files | Tell no Tales | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.