Claudine at Raymart naurong
sa 2006 ang kasal
Hindi na
matutuloy next year ang kasal nina Claudine Barretto at
Raymart Santiago. Sa halip ay gagawin na lang ito sa July
20, 2006. Naurong ang dapat sana’y pagkakasal ng
magsing-irog next year sa July 20 dahil susukob ito sa
pagpapakasal naman ng kapatid ni Claudine sa susunod na
taon. Nagparaya na muna ang aktres at si Raymart sa
nabanggit na kasalan para hindi magsabay ang dalawang
parehong event.
"Dapat nga talaga next year na kami papakasal. July 20 ‘yung
plano namin. Kaso magpapakasal din yung kapatid ni
Claudine on the 16th same month, so nagbigay na lang si
Claudine para sa kapatid niya.
"Hindi naman kasi maganda na susukob sa parehong taon and
same month pa yung kasal, kaya nagbigay na lang kami.
"Napag-usapan
naming, next-next year na lang. Tutal, hindi naman
kami nagmamadali at para mahaba rin yung preparation.
"Hindi naman ako na-disappoint. Hindi pa siguro time.
Okey lang," nakangiting pahayag ni Raymart.
Tiwala o trust ang rason kung bakit tumagal na ng dalawang
taon ang kanilang relasyon ni Claudine. "Dapat may tiwala
kayo sa isa’t isa. Mahirap yung wala, eh.
Kunwari, ako, walang trabaho. Siya, inaabot ng
madaling araw sa shooting.
Kung wala kang tiwala, hindi ka makakatulog nang mahimbing.
"I
guess, isa ito sa nabago sa akin – ang relasyon namin.
Kasi pag may trust ka sunud-sunod na yan.
"Malaki ang tiwala ko sa kanya kaya nagtagal kami. Two years
na kami last November 5," nakangiti niyang balita.
Malaking bentahe rin kay Raymart ang hindi nito palaging
paglabas sa mga showbiz columns kung kaya maganda ang daloy
ng relasyon nila ng aktres.
"Hindi kasi ako visible sa mga intriga. Hindi ako
napag-uusapan ng tao. Yung iba kasi ‘pag sinabing good
or bad publicity is still publicity. Sa akin kasi ‘pag
bad publicity, bad publicity talaga.
"Maganda
na ‘yung hindi ako nai-intriga, walang napag-uusapan tungkol
sa akin kaya hindi nagkakaroon ng isyu sa relasyon namin ni
Claudine," paliwanag ng aktor.
***
Tatapusin lang ni Aubrey Miles ang kanyang kontrata sa ABS
CBN 2 at susubukin raw niyang mag-audition para sa lalabas
na serye ng "Darna" sa GMA 7. Hanggang May o April na lang
raw ang kontrata ni Aubrey sa nasabing istasyon at
nararamdaman niyang hindi na rin kukunin uli ng istasyon ang
kanyang serbisyo kaya gusto niyang subukang mapabilang sa "Darna"
series ng Siyete.
Nang nalaman ni Aubrey na nagpapa-audition para sa nasabing
proyekto, nais sanang pumunta ni Aubrey pero nanaig ang
respeto niya sa Dos. "Kahit pagbali-baliktarin mo, hindi
magandang tignan na may show ako sa Dos tapos bila akong
makikitang naga-audition sa GMA 7 although, doon naman
talaga ako nanggaling. Respeto na lang yun sa kanila.
"Pag
natapos na ang kontrata ko, saka na lang ako susubok kung
meron pa," aniya.
May
gustong ilahad si Aubrey tungkol sa pananatili niya sa ABS
CBN. Sa kapipilit namin, naibulalas niya ito sa
pressscon ng lalabas niyang movie, ang "Pasiyam."
"Hindi ako nagtatampo, hindi ako nagagalit sa ABS, parang
ang ano ko lang talent nila ako pero kung tirahin naman ako
ng ‘The Buzz’ sobra naman. Halos linggo-linggo silang
may negative news tungkol sa akin.
"Hindi na lang respeto kundi kapamilya naman nila ako,"
himutok niya. Sinabi ni Nitz Miralles na ganun din naman ang
GMA 7 na kapag may issue ang talent ng mga ito ginagawan din
ng feature.
"Pero kasi iba yung inilalabas lang yung issue. Pero
yung gagawa ng istorya tapos pagdating sa huli wala naman
pala, ganon," patuloy niya.
Nilinaw lang ni Aubrey na hindi masisibak sa ere ang TV
sitcom na "Home Along Da Airport" kung saan siya mainstay.
"Na-tsismis dati na hanggang August na lang. Eh,
November na ngayon, nasa ere pa rin kami. Alam ko hindi.
Ewan ko lang kung anong plano sa taas," sey niya.
Tatapusin na lang daw ni Aubrey ang kontrata niya sa Dos.
"May option naman to renew the contract. Ewan ko lang
kung may balak pa silang i-renew ako. Siguro kung
wala, hindi ko na ipipilit ang sarili ko, baka hindi na nila
ako kailangan. Kung ganoon, ako na mismo ang gagawa ng
paraan para lumuwag naman ang pakiramdam nila sa dami rin
kasi namin.
"Pero malaki ang utang na loob ko sa ABS. Dahil sa
kanila nakilala ako nang husto hindi lang dito kundi sa
abroad," ani Aubrey.
Isang retardate ang role ni Aubrey na ginampanan niya sa "Pasiyam"
na dinirehe ni Erik Matti.
***
Lumantad na ang nagpapakilalang tunay na ina ni Carmina
Villaroel na si Mrs. Pinky Lazatin. Hindi na namin
pinagtakhan ang paglabas ni Mrs. Lazatin dahil matagal na
naming alam ang tungkol dito.
Aksidente ang pagkaka-alam namin kay Mrs. Lazatin. Isang gym
mate namin sa Slimmer’s Pasig ang naguguluhang nagtanong sa
amin kung totoong patay na raw ang ina ni Carmina.
Base sa pagkaka-alam namin ay matagal nang pumanaw ang ina
ni Carmina na madalas pa naming nakikita sa Regal Films
noong kabataan pa ng aktres. Ito ang madalas na kasa-kasama
ng aktres mula nang pumasok ito sa showbiz.
Itinanggi ito ng aming gym mate at buong ningning niyang
sinabi sa amin na buhay ang nanay ni Carmina. Nakipagtalo pa
nga kami sa aming kasama dahil ang pagkaka-alam nga namin ay
patay na ang nanay ni Carmina.
Ipinagdiinan niyang buhay ang tunay na ina ni Carmina at ang
namatay na nanay nito ay siyang adoptive mother lang raw
umano ng aktres. Ikinuwento sa amin ng aming kasama sa gym
kung paano niya nalaman ang tungkol dito. Isang kaibigan
niya ang nagsama sa kanya sa isang government institution
para bisitahin nito ang kaibigan niya. May nakita raw siyang
palakad-lakad na babae sa nasabing lugar. Mestizahin
ang babae at bagamat may edad na ito mababanaag pa rin na
may angkin itong ganda.
Sabi sa amin ng aming kaibigan, i-research namin ang tungkol
dito at doon namin makikita ang umano’y tunay na ina ng
aktres. Alam sa buong sulok ng institusyon na ito nga raw
umano ang tunay na ina ni Carmina.
Sinabihan namin ang showbiz-oriented program na "S Files" sa
GMA 7 na i-research ang tungkol dito. Dapat sana ay noon pa
nailabas ng "S Files" ang tungkol dito pero nakiusap si Mrs.
Lazatin na huwag muna siyang interbyuhin habang inaayos pa
ang kanyang gusot. Natatakot rin si Mrs. Lazatin na ang
paglantad niya ay magdulot ng mas maliit na tsansang
matanggap siya nang buo ni Carmina.
Sa
unang kaswal na pakikipag-usap ng "S Files" kay Mrs. Lazatin
nabanggit nitong may nagbibigay umano sa kanya ng pera. Sa
unang dinig namin, si Carmina raw umano ang nagbibigay ng
pera sa kanya kapalit ng pananahimik umano nito sa tunay
nilang relasyon.
Sa
pangalawang kuwento, may ibang tao raw umanong nagbibigay ng
salapi kay Mrs. Lazatin na inutusan umano ng aktres.
Bago pa humarap si Mrs. Lazatin sa "S Files", noon pa namin
narinig ang kanyang pahayag tungkol sa mga ebidensyang
ilalabas niya para patunayang siya ang tunay na ina ni
Carmina. Pero noong mga panahong iyon hindi pa handa si Mrs.
Lazatin sa kanyang gagawin.
Iginalang ng "S Files" ang pakiusap ng nasabing babae
hanggang sa pumayag na itong magpa-interview. Gaya ng
kanyang naipangako, nagsiwalat na si Mrs. Lazatin ng ilang
detalye kung paano niya naging anak si Carmina.
Sa
interview, sinabi niyang Feb. 22, 1975 nang ipanganak niya
si Carmina.
Dahil nga abala siya sa kanyang trabaho, ang umano’y batang
si Carmina ay ipina-alaga ng kanyang tunay na ama sa isang
nagngangalang Pastora na tiga-Tanuan, Batangas. Mula noon ay
hindi na niya nakita ang kanyang anak.
Nong 1990 lamang umano nakita ni Mrs. Pinky ang isang bata
sa "That’s Entertainment" na sinasabing tunay niyang anak.
At ito ay si Carmina na noo’y nagsisimula nang mag-artista.
Ang pagsubaybay ni Mrs. Pinky sa programa ay galing sa isang
taong nagsabi sa kanyang makikita niya ang anak sa nasabing
programa kasabay ng pagbanggit ng pangalan ng aktres.
Mula noon ay pinangarap at inisip na ni Mrs. Lazatin na
makilala ang anak. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng
loob dahil sa pakiramdam niya ito na ang tamang pagkakataon.
Ilang media na ang nagtangkang ungkatin ang isyu, pero
tinanggihan niya ang mga ito kahit inalok na siya ng
malaking halaga. Naniniwala si Mrs. Lazatin na ang
pagsisiwalat niya ay hindi kinakailangang tumbasan ng kahit
gaano kalaking salapi. Maraming mga dokumento at pruwebang
nakatago at inipon si Mrs. Lazatin para patunayang anak
umano niya si Carmina, maliban pa sa testimonya ng ibang
kaanak pati ng kanyang mga kamag-anak tungkol dito.
Hindi alam ni Mrs. Lazatin kung ano ang kahihinatnan ng
kanyang paglantad kung makakabuti ba ito sa pangarap niyang
makilala at makita nang harap-harapan si Carmina.
Sa
ilang mensahe niya sa "S Files" sinabi niyang lalo siyang
nahihiya at natatakot dahil sa kalagayan niyang ito ngayon
baka hindi na rin siya tanggapin ng anak. Nagulo na ang
buhay niya at nais naman niyang ituwid ang isang bahagi ng
kanyang nakaraan ang malamang siya ang tunay na ina ni
Carmina.
Ipinagdiinan ni Mrs. Lazatin na hindi siya nanghihingi ng
pera mula sa kahit na sino o ‘di kaya umaamot sa suwerteng
tinatamasa ng aktres. Hindi rin niya kasi hinahangad na
tanggapin siya nito bilang ina. Ang nais lang niya ay
ipaalam ang katotohanan kay Carmina.
Kung anuman ang kahihinatnan ng paglantad na ito ng isa pang
ordinaryong babae na umaangkin sa isa pang artista ay
tanging kapalaran na lang ang makakapagsabi.
Kung maghaharap at magkikita nang personal sina Carmina at
Mrs. Lazatin, yun ay nasa kanilang kagustuhan.
Maraming kaso na rin ng mga ganitong pag-aangkin ng isang
ordinaryong tao sa celebrities. Nangyari na ito sa mga
malalaking artistang gaya nina Nora Aunor, Vilma Santos at
iba pa. Ang pinaka-recent nga ay si Matet De Leon na
nakaharap pa niya ang nagsasabing tunay niyang ina.
Pero hindi ito kinilala ng aktres at ang adoptive mother
niyang si Nora Aunor ang itinuring niyang tunay na ina.