Tomo 6
Numero 5
December 2004

 

Home About Us Site Map Contact Us Archives
Ni Ricky Calderon

Martin Nievera simula na ng short stint sa Hollywood

We are happy for Megastar Sharon Cuneta na nagwagi as best actress sa Brussels International Film Festival para sa "Crying Ladies" ng Unitel Productions. Nag-tie sila ni Superstar Nora Aunor (na nagwagi naman for "Naglalayayag," the same movie that won for her the best actress award mula sa Manila Film Festival last June).

First award ni Sharon outside local shores kaya naman thrilled na thrilled si Shawie sa kanyang victory. Binigyan nga siya ng victory dinner ni Sen. Kiko Pangilinan with some friends sa Shang Palace Restaurant ng Makati Shangri-La at nung matapos ang dinner ay hiningan nila ng mensahe si Sharon. Acceptance speech, kumbaga. Kunwari announcement ng winner at ang ginamit nilang mock up trophy ay bote ng mineral water.

Emote naman si Shawie sa kanyang acceptance speech. Very sincere naman si Shawie at very thankful siya kay Tony Gloria ng Unitel Pictures na nag-produce ng "Crying Ladies." Naiyak pa nga si Sharon sa kanyang madamdaming speech kaya pati ang ilan sa mga bisita niya ay naiyak din.

Baka by next year pa bumalik sa pagtratrabaho si Sharon dahil enjoy na enjoy siya sa kanyang bagong baby na si Miel. She’s breastfeeding Miel at she will do it as long as she can. Hindi nga raw niya maiwan ang kanyang bunso dahil kahit daw ilagay niya sa bote ang gatas ay hinahanap siya nito ‘pag feeding time at iyak nang iyak ‘pag wala siya. Hindi pa nga raw siya nakakatulog nang husto since nanganak siya kasi she feeds Miel round the clock.

"Pero very happy ako. It’s worth all the sacrifice. Ang ganda-ganda niya, may dimples pa, parang si Mikee Cojuangco," sabi ni Sharon sa kanyang text message. Nung dinner ay may mga dala-dalang pictures ni Miel si Sharon pero bago niya ito ipinakita sa kanyang mga bisita ay may warning agad ito, "Bilang ko yan. Alam ko kung ilan ang mga photos na iyan." Ibig sabihin ni Shawie, hindi puwedeng humingi ng picture ni Miel. For viewing purposes lamang.

***

Almost seven years ding hindi gumawa ng movie si Raymart Santiago at kaya niya tinanggap itong "Aishite Imasu" ay dahil kay Direk Joel Lamangan, na matagal nang gustong maidirek si Raymart. Na-excite din si Raymart sa project nang mabasa niya ang script kaya niya tinanggap ang offer.

Wala naman naging problema si Raymart sa shooting. Narinig nga raw niya sa ibang artista na mahigpit si Direk Joel sa set. Happily, hindi pa naman siya nasigawan nito. Hindi nga raw ito nakakatakot kasama sa shooting. Cool na cool daw ito.

"Kung tama naman ang ginagawa mo, hindi ka naman papagalitan ni Direk Joel. Naririnig ko nga sa ibang artista na terror si Direk Joel eh hindi naman. Kung wala ka naman maling ginagawa, hindi ka niya mapapagalitan. So far, wala pa naman akong maling nagawa. Isa pa, makulit ako sa set. Tanong ako ng tanong kung ano ang gagawin ko. Feeling ko nga, nakukulitan siya sa akin," sabi pa ni Raymart.

Matagal nang hindi gumawa ng movie si Raymart dahil namimili siya ng project. May mga offers naman daw siya pero hindi nga lang nagugustuhan. Mas happy siya sa trabaho niya sa TV. Mainstay siya ng "Lagot Ka, Isusumbong Kita" sa GMA 7.

***

Itinanggi ni Regine Velasquez na sumama ang loob niya sa GMA-7 dahil isinali sa cast ng "Forever in My Heart" si Dawn Zulueta na hindi man lang ipinaalam sa kanya. Ayon sa Songbird, aware naman siya sa plano ng GMA na isali sa cast ng FIMH si Dawn at kinilig pa nga raw siya nang malaman ito dahil alam niyang click sina Dawn at Richard (Gomez) together kasi nga they were an item before. Maging si Ariel (Rivera) ay alam na kasali na si Dawn sa soap. Excited nga si Regine na tinanggap ni Dawn ang offer.

Sinabi rin ni Regine na talagang one season lang tatagal ang FIMH. Ayaw naman daw nila ito pahabain pa at baka kung saan-saan pa mapunta ang takbo ng istorya. Happy rin si Regine na maganda ang ratings ng FIMH. Sa history ng GMA, ang soap pa lang nila ang nag-rate ng ganito kataas, nasa 20s kasi ang rating nila, unlike sa previous shows on the same slot na nasa 13 lang ang rating. At mataas din ang kanilang commercial load.

Kung gagawa siya ng movie, gusto sana ni Regine na makatambal si Piolo Pascual. Kahit ano raw ay gagawin niya matupad lang ito "Even if I have to do sexual favors," pagbibiro pa ni Regine. May offer naman daw sa kanya ang Star Cinema for one movie. Isa pa, one movie na lang ang natitira sa contract niya sa Viva Films. Hindi na nga lang muna matutuloy ang movie na dapat pagsasamahan nila nina Aga Muhlach at Judy Ann Santos kasi may gagawin din movie sina Aga at Juday in Star Cinema. Mag-iisip na lang daw sila ng ibang project.

***

Sa Amerika magpa-Pasko sina Martin Nievera at Pops Fernandez kasama ang kanilang dalawang anak. Sa kapatid ni Martin sa Baltimore sila magi-spend ng Christmas. Pero bago ito ay magso-shoot muna si Martin para sa international movie na "Wrinkles" sa December 12. Aalis si Martin ng December 11 sa Manila (after ng kanyang Christmas concert sa Araneta Coliseum) at pagdating niya sa LA ay simula na agad siya ng shooting for the movie.

Kahit na maigsi lang ang role niya, happy si Martin dahil kasama niya sa eksena si Tia Carrere. Host ng beauty pageant ang role ni Martin at sila ang magkasama ni Tia Carrere while hosting the pageant na ang contestants ay mga lola.

Siyempre pa, happy si Martin doing the film kahit maigsi ang role. Hindi nga lang niya alam if he was taking over the role na originally ay inalok kay Rob Schneider. Hindi raw niya alam kung kasali pa ang Hollywood actor with Pinoy roots sa movie. Kasi, nagpunta ng Pilipinas ang isa sa writer ng Wrinkles at pinanood siya while hosting ASAP Mania. Tapos ay sinabi sa kanya na he need not audition for the role kasi he’s got the role, while watching his antics in ASAP.

"Happy ako kasi this movie will open the doors for other Filipino artists na makilala sa US kasi marami kaming Pinoy stars sa movie," kuwento pa ni Martin.

 

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kuwento | Beauty | Buhay OFW | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Showbiz ka ba | Star Files | Tell no Tales | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.