Tomo 6
Numero 5
December 2004

 

Home About Us Site Map Contact Us Archives

“Hindi ako umaasa sa awards” – Juday


Judy Ann Santos

Walang dudang Judy Ann Santos is one of the busiest local stars sa Pinoy showbiz. Sunud-sunod ang kanyang mga projects hindi lang sa pelikula kundi maging sa telebisyon din. Ongoing pa rin ang superseryeng "Krystala" under ABS-CBN at ngayong Disyembre ay tampok naman siya sa filmfest entry ng BASFilms na "Aishite Imasu" mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Nagkaroon lang ng kontrobersiya ang pagkakatanggal ni Juday sa cast ng "Mano Po 3." Una kasing naibalita na kasali sa cast si Juday pero nagkaroon ng intriga nang pumasok sa eksena si Sheryl Cruz, na nagbabalik-pelikula matapos ang walong taong pananatili sa Amerika. Bagamat nai-announce na, hindi nakadalo si Juday sa big presscon cum contract signing ng cast ng "Mano Po 3" na kinabibilangan nina Vilma Santos, Christopher de Leon at Eddie Garcia. May taping siya ng "Krystala" nung gabi ng presscon kaya di siya nakadalo. Ang ending, nawala sa cast ng "Mano Po 3" si Juday pero pasok naman ang beauty ni Sheryl.

Sumama ba ang loob mo kay Mother Lily dahil nawala ka sa cast ng "Mano Po 3?" Nagtampo ka ba kay Mother Lily?

Wala akong tampo kay Mother Lily. Honestly speaking, wala akong tampo sa kanya, naiintindihan ko kung bakit naging ganoon ang desisyon. Ini-explain ko rin naman kung bakit hindi ko magagawa ang movie kasi ayoko rin naman masira ang buong pelikula dahil sa trabaho ko. Baka hindi ko mabigyan ng maayos na performance ang pelikula. Ang "Mano Po," parang may pattern iyan na sinusunod. Pangit naman kung masira ang pattern dahil sa akin, dahil lang sa sobrang pagod ko. Pagod na nga ako sa "Aishite Imasu" tapos papasok pa ang "Mano Po 3."

Hindi ka ba nanghinayang na nawala ka sa "Mano Po 3?"

Mas manghihinayang po ako kung tinanggap ko ang movie tapos hindi ko naman maiibigay ang best ko. Magandang pelikula ang "Mano Po 3" kaya lahat ay gustong makasama riyan. Pero dapat diyan ay kina-career at hindi puwedeng binabara-bara ang trabaho.

Happy ka na doing "Aishite Imasu?" Ano naman ang challenge sa iyo ng movie?

Iba kasi itong Aishite Imasu. I made sure na hindi ito kagaya ng performance ko sa "Basta’t Kasama Kita" o kaya sa "Sabel." Siniguro ni direk Joel na siya makakakuha ng same motivation na ginawa niya sa "Sabel." Marami na kaming ginawang movie ni Direk Joel so inisa-isa niya ang bawat unit dahil dapat ibang motivation naman ang gamitin namin dito. Ang mahirap lang dito sa Aishite Imasu ay mga dayalog kasi sinaunang Tagalog ang mga linya. Malalalim ang Tagalog kasi ganun noong panahon ng Hapon. Kailangan iba ang style ng pagsasalita mo. Mahirap umarte na malalim na Tagalog ang sinasabi mo. Parang din sa "Mano Po 2" na nagsasalita naman kami ng Mandarin. Mahirap magsalita na hindi mo naiintindihan ang sinasabi mo.

Ano ang mahihirap mong eksena sa movie?

Noong naging guerilla na ako kasi kailangan ko nang humawak ng baril at pumatay ng tao. Yung pagiging guerilla ko, sa umpisa medyo soft ako pero later ay magiging matigas na rin ang puso ko. Kasi lahat ng mga mahal ko sa buhay pinatay ng mga Hapon so para makaganti, pumapatay naman ako ng mga Hapon. Kahit sino na lang pinapatay ko basta makaganti lang.

Ibig sabihin nag-action ka rin dito?

Nag-action din ako pero iba naman sa mga action scenes na ginawa ni Raymart (Santiago). Yung kay Raymart, mas tough. Yung sa akin mayroon pang touch ng femininity. May mga time na bumabaril ako pero umiiyak ako habang ginagawa ko ito. May time naman na walang emosyon. Mas gusto kong bumaril na lang. Mas madaling bumaril kaysa mag-emote.

Entry itong "Aishite Imasu" sa festival. Umaasa ka bang manalo ng award?

Wala akong expectations pagdating sa mga awards. Hindi ako umaasa sa awards. Mahirap kasi ang umasa. Wala ngang bayad ang mangarap pero wala rin naman masama kung hindi ka umasa. Mahirap yung umasa tapos wala rin naman mangyayari kasi puwedeng magbago ang desisyon at the last minute. Maraming puwedeng mangyari hanggang ‘di naia-announce ang winner. Para sa akin panalo na ako dahil maganda ang pelikula namin.

Hindi ka ba naniniwala sa awards?

Naniniwala po pero naniniwala rin po ako sa feedback ng mga tao. Feeling ko, para na rin akong nanalo ‘pag mga tao na mismo ang nagsabi na nagustuhan nila ang trabaho ko sa isang movie. Pinagbabasehan ko ang feedback ng mga tao, ang pananaw ng mga tao sa trabahong ginawa ko kaysa tropeo. Mas masarap kasi pakinggan ang salita ng mga taong nakapanood ng pelikula mo kaysa may tropeo ka nga, hindi naman naniniwala ang mga tao sa ginawa mo. Pangit naman yata iyon.

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kuwento | Beauty | Buhay OFW | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Showbiz ka ba | Star Files | Tell no Tales | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.