Tomo 6
Numero 5
December 2004

 

Home About Us Site Map Contact Us Archives

Desisyon ni Coach Pumaren inaabangan
ng Green Archers

Ni Maria Tanyag

Hindi maikakaila ng De La Salle University na mahalaga si Coach Franz Pumaren kung bakit naging kampeon ang koponan nitong 2004 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season.

Sa ngayon, nasa panig ni Coach Pumaren ang pagdedesisyon kung tatanggapin pa rin niya ang alok ng DLSU na pamunuan ang Green Archers sa susunod na UAAP season.

Ayon naman kay Pumaren, wala siyang karapatang tumanggi kapag ang presidente na mismo ng unibersidad ang nakipag-usap sa kanya para tanggapin uli ang posisyon.

Gayunman, idinahilan din niyang kukuha ito ng masters degree kaya hindi niya pa alam kung babalikan pa niya ang pagiging coach.

Sambit ni Br. Armin, wala nang maaari pang patunayan si Pumaren dahil nabigyan niya ng limang korona sa loob ng pitong taon ang koponan.  Aminado rin itong nakipag-usap siya mismo sa coach para lalo pang himukin ito na pag-isipan ang nauna niyang desisyon.

Sa ngayon, pinapahawak muna ni Pumaren kay Gie Abanilla, long time assistant coach ng La Salle, ang pamumuno sa koponan habang sumasabak ang mga ito sa Philippine Basketball League. Sakaling tuluyan nang tanggihan ni Pumaren ang DLSU, pinag-iisipan ng isang grupo ng La Salle alumni na ipalit si Gee Abanilla, ang matagal nang assistant coach.  Posible ring ibigay ito kina PBL veteran Junel Baculi at dating Green Archers na sina Dominic Uy at Mon Jose.

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kuwento | Beauty | Buhay OFW | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Showbiz ka ba | Star Files | Tell no Tales | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.