Samantala, ang
RP-Japan FTA ay nagbunga ng positibong kaganapan.
Nauna nang pinahayag ni Pangulong Arroyo na hindi
mga Pinoy nurse ang ipadadala sa Japan kundi mga
caregivers at propesyunal sa Information
Technology.
"Mali ang akala ng
mga lobbyists at nurse organization sa Japan na
mga nurse ang ipadadala," anang Pangulo.
Napag-alaman na
kinakailangang makapasa sa Japanese qualification
examination upang magkaroon ng mahabang taon ng
pagta-trabaho roon. Higit sa lahat kailangang
pag-aralan ang lengwahe o Nihonggo.
Hinihingi ng panig ng
Pilipinas na alisin ang taripa sa asukal, manok,
tuna, pinya at saging. Ayon kay Dr. Erlinda
Medalla, PIDS Senior Research officer, ang
bilateral agreement sa Japan ay magbubunga ng
global competitiveness, paglago ng ekonomiya at
mag-aahon sa kahirapan ng bansa. Higit na
makikinabang rito ang 78,000 Pinoy sa Japan na
nagta-trabaho bilang tsuper, manggagawa at nasa
pabrika.
Ayon sa NEDA, ang mga
bansang Amerika, China at Japan ang may malaking
impluwensiya sa Silangang Asya kung kaya ang
foreign policy ng Pilipinas ay kailangang naaayon
sa konteksto ng Association of South East Asian
Nations (ASEAN).