Tomo 6
Numero 5
December 2004

 

Home About Us Site Map Contact Us Archives

NEDA may plano laban sa kahirapan

Ni Genivi V. Factao

Isiniwalat ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang master plan nito para solusyunan ang kahirapan nang hanggang 20% at tumaas ang GDP growth ng 7% sa taong 2009.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Romulo Neri, ang Medium-Term Philippine Development Plan (MTPDP) ay alinsunod sa 10 puntong agenda ni Presidente Arroyo base sa sitwasyong makroekonomiya ng bansa.

Target nito na ang GDP (Gross Domestic Product) ay maging 7 % sa taong 2009 at 8% domestic growth sa 2010 samantalang 28 % investment sa GDP ratio. Sa taong 2010, magiging balanse na daw ang pondo.

Kinakailangan na mayroong malinaw na reporma sa istruktura para solusyunan ang kahirapan at kawalan ng hanapbuhay sa loob ng 6 na taon. Target nito ang $50-bilyon eksport sa 2007 at 1.7-milyung trabaho kada taon hanggang 2009.

Binatikos ng ekonomistang si Solita Monsod ang MTPDP na aniya ay mahirap mangyari. Subalit sinabi ni Neri na ito’y sasamahan ng suporta mula sa 3 milyung micro, small at medium enterprises at agribusiness para matupad. Inamin ng kalihim na ang deficit at malaking utang ang pangunahing banta para sa istabilidad sa macroeconomy.

Dapat lang na ang surplus ay 3.1 percent para maiwasan ang fiscal deficit. Lalong dapat ay isaayos ang utang ng National Power Corp. Ang inter-grid, intra-grid, at inter-class cross subsidy ng NPC ay aalisin sa darating na taong 2005 upang maalis ang distorsyon sa presyo sa merkado. Sa gayon, bababa ang binabayad na kuryente ng konsyumer sa industriya at komersya.

Tataas naman ang bayad sa kuryente ng mga residential consumers na nagbe-benepisyo sa cross-subsidy. Sinabi ni Neri na ipapatupad din ang "time-of-use pricing" kung saan ang NPC at GENCO investors ay maniningil ayon sa totoong halaga ng kuryente sa bawat araw.

Inaasahan na bababa ang bayad sa kuryente dahil sa kumpetisyon at sanhi ng pribatisasyon ng mga kumpanya at pagtatayo ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM), kung saan ang mga end-users na may buwanang demand na one megawatt ay makakabili ng elektrisidad direkta sa generators simula Hulyo 2006 para sa Luzon.

Ayon kay Neri nais ng pamahalaan na makahabol din sa mga bansa sa Asya na ang growth rates ay 6-8 % tulad ng Thailand, 6.4 %; Malaysia 7.8 %, at Vietnam 7.1%.

Ang pagbabayad sa imprastraktura ay tataas ng PP100 bilyon sa pamamagitan ng non-recourse project financing na sasagawa ng Philippine Infrastructure Corporation. Aayusin ang transportasyon at imprastrukturang digital kabilang rin ang pag-aayos sa 2 milyong ektarya para sa negosyong pang-agrikultura.

Bilang pagtugon sa problema sa pinansiyal, aalisin ang dobleng pagbubuwis; isasa-ayos ang pensyon at retirement schemes ng nasa gobyerno. Ilan pang dapat ayusin sa bansa ay ang hustisya, edukasyon, opurtunidad para sa kabataan, paglaban sa katiwalian, reporma sa burukrasya, kapulisan at hudikatura.

 

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kuwento | Beauty | Buhay OFW | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Showbiz ka ba | Star Files | Tell no Tales | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.