Maraming dahilan kung
bakit hindi maabot ng mga mahihirap na Pilipino
ang pangarap nilang makapagtrabaho sa ibang bansa.
Una ay ang napakamahal na placement fee na
hinihingi para sa mga nais magtrabaho abroad.
Maraming kwento tungkol sa mga nagsasanla o
nagbebenta ng mga ari-arian para lamang makabayad
sa placement fee. Pero hindi naman lahat ng
nagbabalak magpunta sa abroad ay may mga ibebenta
o isasanla. Pangalawa ay ang malaking bayad para
sa pagkuha ng passport at ng ticket sa bansang
pupuntahan. Karamihan sa mga nasa probinsya ay
kulang ang pera para sa pamasahe papunta sa
Maynila kaya napipilitang mangutang muna pero
hindi naman lahat ay pinapalad.
Ayon din sa nasabing
pag-aaral, kahit na maraming mahirap na pamilya sa
Metro Manila at sa buong Luzon ay mas marami pa
ring OFWs ang nagmumula rito. Pinakamalaking
porsiyento ng mga pamilyang umaasa sa remittance
ng mga ito ay mula sa Ilocos Region.
Hindi naman umano
maganda ang nakikitang senyales sa tila ‘di
pagkakapantay-pantay ng oportunidad para makapag-abroad.
Kailangang makahanap pa ng ibang paraan ang
pamahalaan para pakinabangan ng mas maraming
Pilipino ang bilyong pisong remittances at mga
buwis na nakukuha mula sa mga OFWs.