Tomo 6
Numero 3
October 2004

Home About Us Site Map Contact Us Archives
Ni Ojie Gutierrez

Feng Shui

Starring: Kris Aquino, Jay Manalo, Lotlot de Leon, Jenny Miller, Ilonah Jean, Gerard Pizarras
Directed by:
Chito S. Roño

Star Cinema, ABS-CBN Film Productions, Inc
 


Cast of Feng Shui

Pagkatapos ng dalawang taong pamamahinga ay muling nagbalik si direk Chito Roño sa paggawa ng pelikula via "Feng Shui" (pronounced "fung suy") which stars Kris Aquino na first time rin na gumanap sa isang full-length horror film. First movie rin ito ni Kris under Star Cinema kaya ayon sa kanya, pinagbutihan niya talaga at ibinuhos ang lahat ng kanyang makakaya alang-alang na rin kay direk Chito.

Nagsimula ang mga kababalaghan nang mapulot ni Joy (Kris) ang isang "bag-gua" – isang Chinese feng shui mirror na pinaniniwalaang nagpapasok ng swerte sa bahay na naiwan ng isang matanda. Iniuwi iyon ni Joy at inilagay sa harapang pintuan ng kanilang bahay. Bago pa man mangyari ang lahat ay hindi naging maganda at malamig ang pakikitungo ng asawa ni Joy na si Inton (Jay Manalo) sa kanya dahil pinilit lang niya ang pagpapakasal dito hanggang sa magkaroon sila ng dalawang anak. Ibang babae (Jenny Miller) ang mahal ni Inton subalit kagaya niya ay kasal na rin sa iba.

Sa loob ng walong araw ay inulan ng suwerte si Joy na nakapagpabago sa kanyang ugali at unti-unti siyang nagiging sakim. Lingid sa kanyang kaalaman ay may sumpang nakabalot sa bag-gua. Sa tuwing magpapawala ito ng suwerte ay may kapalit na buhay na siyang dahilan ng sunud-sunod na malalagim na kamatayan ng kanyang mga kaibigan na minsang tumingin sa salamin ng bag-gua. May mga masasamang ispiritung namamahay sa loob nito.

Kailangang tuklasin ni Joy kung paano matatanggal ang sumpang nakapaloob sa bag-gua, kaya tinunton niya ang biyudang asawa ng matandang nakaiwan ng bag-gua sa loob ng bus. Hindi kaya ni Joy na ipagpalit sa kondisyon ng matanda ang kanyang pamilya kaya lumapit siya sa isa pang Intsik na may alam sa bag-gua.

Hindi na namin ikukuwento ang katapusan ng pelikula para naman may matira pang suspense sa panonood n’yo. Basta promise, maganda ang twist ng istorya sa huli.

After "Patayin Sa Sindak Si Barbara" na more on gothic film ay ang "Feng Shui" ang pangalawang horror movie na ginawa ni direk Chito. Expert na si direk Chito sa ganitong genre, marahil ay nakatulong sa kanya ang pagiging Visayan (he’s from Samar) na very rich ang culture sa mga kababalaghan. Bagay din sa mga Pinoy ang "Feng Shui" dahil marami sa atin ang naniniwala dito. At dahil uso ang mga Asian horror films, hindi pahuhuli ang "Feng Shui" kung sa kalidad lang naman ang pag-uusapan. Kaya naman nakatakda rin itong ipalabas sa ilang key cities sa Asia at sa Amerika.

Maraming eksenang nakakagulat at nakagigimbal sa pelikula. Akmang-akma ang nakakagulat na mga sounds (Dolby) na inilapat ni Albert Michael Idioma at very eerie at clear naman ang pagkakakuha ni Neil Daza para lalong maging exciting ang mga eksena. Maganda ang takbo ng istorya ni Chito at ni Roy Iglesias, simple at hindi nakalilito.

Magaling ang pagkakaganap ni Kris pero there are some points na parang hindi kontrolado ang emosyon niya na maaaring mapagkamalang OA (over acting) ang dating. Pasado na ang mga facial expressions ni Kris lalo pa nga’t in some scenes, wala siyang make-up sa mga close up shots niya. Kahanga-hanga si Lotlot de Leon lalo na sa kanyang death scene. Damang-dama mo ang emosyon, isang halimbawa na kahit hindi siya ang bida sa pelikula ay hindi mo malilimutan ang pagkakaganap niya.

For pre-order call Silangan at 03-5656-9086 / 044-431-0256

Rating:

 Nakakatakot, ihanda ang boses sa pagsigaw.

 

 

 

Rating Scale:

 

 


3 bags of popcorn (panoorin n’yo, maganda)


2 bags of popcorn
(puwede na!)


1 bag of popcorns (tulog na lang kayo)

 

 

 

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kwento | Beauty | ATBP | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Tete-a-Tete with Tintin | Star Files | Movie Review | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.