Pinuri naman ni BSP
Governor Rafael B. Buenaventura ang mga commercial
banks sa pagkakaroon nito ng magagandang mekanismo
sa remittance business. Aniya, sa pamamagitan ng
mga bangkong ito, nawawala ang pangamba ng
gobyerno na idaan sa informal channels ang mga
remittance.
Dagdag ni
Buenaventura, karamihan sa mga mataas na
remittances ng mga OFW ay galing sa Hong Kong,
Japan, Singapore, Italy, US, UK, Saudi Arabia at
United Arab Emirates (UAE).
Sinabi rin ni
Buenaventura na bumubuo ng 16 porsiyento ng
current account receipts ng bansa at ng 11
porsiyento ng gross domestic product ang mga
remittance ng tatlong kuwarto ng taon.
Maganda ang senyales
na ito ayon naman sa OWWA dahil anila, lalo pang
dumami ang mga Pilipinong na-deploy sa mga bansang
Saudi Arabia, United Arab Emirates, Hong Kong,
Japan at Italy. Anila, sa pamamagitan nito, mas
madaragdagan pa ang remittances ng mga OFW at
dahilan upang gumanda ang dollar flow ng bansa sa
mga susunod pang mga taon.