Tomo 6
Numero 5
December 2004

 

Home About Us Site Map Contact Us Archives

Anak ng OFWs gusto ring mangibang bansa – CBCP

Ni Vincent Jan Rubio

Kamakailan lamang lumabas sa pag-aaral ng Catholic Bishops Conference of the Philippines migrant office na nais ng mga anak ng OFW na makapagtrabaho rin sa ibang bansa tulad ng kanilang mga magulang.

Sa inilabas na press statement ng CBCP na nakasaad sa kanilang 2003 Children and Family Study,"The children’s responses indicate that overseas migration will continue. This early, the children are already entertaining thoughts of migrating and working abroad, and their career plans are very much shaped by what would be marketable abroad."

Pinangunahan ang pag-aaral ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants, ng Itinerant People/Apostleship of the Sea-Manila, Overseas Workers Welfare Administration, at ng Scalabrini Migration Center mula Oktubre hanggang Disyembre noong nakaraang taon.

Isinagawa ang pag-aaral sa 1,443 anak ng migrant at non-migrant workers na may edad 10-12 gulang sa public at private schools. Sa mga respondents, 47.3 porsyento ang naiisip na magtrabaho abroad. Sa pigura, 60 percent ay mga anak ng OFWs.

"Economic need" ang sinasabing lumabas na dahilan upang magtrabaho sa ibang bansa. Lumabas din sa survey na maraming respondents ang gustong magtrabaho sa Amerika, Europa, at Canada.

Samantala marami sa respondents ang nais magtrabaho bilang doktor, nurses, at engineers abroad. Napatunayan din ng survey na mas maraming anak ng OFW ang nakakapag-aral sa private school kumpara sa mga anak ng hindi OFW. Dagdag pa nito, lumabas din sa survey na mas nage-excel ang mga anak ng OFW sa elementary kumpara sa mga hindi anak ng OFW.

Inihayag naman ng simbahan na malaki ang implikasyon nito sa pamilyang Pilipino, lalo na sa kabuuan ng bansa. Anila, repleksyon ito ng maaring mangyari sa pamilya at pamilyang Pilipino sa hinaharap.

 

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kuwento | Beauty | Buhay OFW | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Showbiz ka ba | Star Files | Tell no Tales | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.