Tomo 6
Numero 5
December 2004

 

Home About Us Site Map Contact Us Archives

PSE humihingi ng tulong sa OFW para pasiglahin ang stock market

Ni Genivi V. Factao

Positibo ang pananaw ng Philippine Stock Exchange na mae-engganyo nito ang overseas Filipino workers na pasiglahin ang stock market sa pamamagitan ng pag-invest upang mabahaginan ang exchange ng remittances na umaabot sa US$8 billion kada taon.

Kasalukuyang inihahanda ang Audio-visual presentations na ibibigay sa mga embahada ng Pilipinas at consular offices simula Enero 2005. Ang flyers at leaflets ay ipamimigay sa mga pagtitipon ng mga OFW sa iba’t ibang bansa.

Ang hakbang ay bilang pagtugon na rin sa pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) na hindi nagiging maayos ang buhay ng mga OFW dahil sa nagagastos ang ipon sa mga luho ng kapamilya o kaanak.

Nitong Setyembre umabot sa $735 milyon, ang remittance ng OFW ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Tumaas ito ng $136 million o 22.6% mula sa $599 million noong Setyembre 2003.Ang dollar remittances mula Enero hanggang Setyembre ay $6.2 bilyon, tumaas ng 9.4% mula $5.7 bilyon noong 2003.

Ayon sa Department of Labor and Employment ang bilang ng land-based professionals at skilled workers ay tumaas ng 3.1% o 519,785 mula Enero hanggang Setyembre. Ang bilang ng sea-based workers gaya ng seamen, ship crew, chefs at iba pa ay tumaas naman ng 2.7% o 168,030.

Inaasahan ng Bangko Sentral na ang dollar remittances ay aabot sa $8.1 bilyon sa katapusan ng taon o tataas ng 6% mula sa $7.6 bilyon noong 2003.

Dahil sa panahon ng Kapaskuhan, siguradong tataas ang remittances galing Saudi Arabia, Hong Kong, Japan, Italy at United Arab Emirates. Ang malaking halaga ng padala ay mula sa performing artists, construction workers, sea-based workers at domestic helpers.

Ayon kay OWWA Chief Marianito Roque, kahit pa naglipana na ang mga nurse, hindi lamang ang padala nito ang makakapalakas sa ekonomiya kundi kolektibong tulong ng lahat ng Pinoy sa ibang bansa lalo na ang contract workers at sea-based workers.

"Binibigyan ang mga nurse ng special package tulad sa US, kung saan maari nilang isama ang pamilya. Ang ginagawa nila ay uprooting. Sino pang padadalhan nila rito?" aniya.

Sinabi naman ni PSE Director Marita Limlingan, ang pagtuturo sa OFWs para maging investor ay bahagi rin ng reintegration program ng OWWA.

"Kapag narito na sila at wala silang trabaho, puwede silang mag- invest sa stock market at tuturuan namin sila kung paano," sabi pa niya.

Nabatid na ang PSE ay kabilang sa "best performing stock markets" sa rehiyon. Kinatigan ito ni Peter Woicke, executive vice-president ng International Finance Corporation (IFC), isang pribadong sektor na bahagi ng World Bank, na nagsabing ang Philippine stock market ay naka-rekober na. Iminungkahi ni Alberto Cybo-Ottone, third-party consultant na nag-assess sa kasalukuyang sitwasyon sa PSE, na kailangang i-balanse ng PSE ang current fee structure nito.

 

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kuwento | Beauty | Buhay OFW | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Showbiz ka ba | Star Files | Tell no Tales | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.