Napuwersa ako sa
pakikipagtalik ani assistant ni Liza Minnelli
NEW YORK (AFP) – Dinemanda si US diva Liza Minnelli ng
kanyang dating chauffeur at bodyguard sa halagang 100
milyong dolyar, sa pagsasabing paulit-ulit siyang binugbog
at pinuwersang makipagtalik rito, batay sa mga dokumento sa
korte.
Nagsampa ng kaso si M’Hammed Soumayah laban sa 58 taong
gulang na superstar sa New York State Supreme Court, at
sinabing pinatalsik siya mula sa kanyang trabahong may sahod
na US$238,000 bawat taon at nabigo rin umano siyang bayaran
ng US$89,000 sa back wages.
Ayon kay Soumayah, 56 years old at may dalawang anak, paulit-ulit
umano siyang sinaktan at binugbog ng Oscar-winning star ng
"Cabaret" at pinuwersa sa relasyong sekswal.
Aniya, pinagtimpiian niya ang "violent outbursts" at sexual
harassment mula sa aktres sa loob ng isang dekada dahil sa
takot na mawala ang kanyang trabahong malaki ang sahod.
Sinabi ng retainer na sa loob ng 10 taong pagtatrabaho,
siya, "without his consent, was forced to engage in sexual
relations with Minnelli," na nakipaghiwalay sa kanyang
huling asawang si David Gest noong isang taon.
Idinagdag pa niya na mayroon siyang "physical evidence of
his sexual relationship with Minnelli. In the event that (Soumayah)
resisted or protested, Minnelli would threaten him with
termination," saad ng demanda.
"Throughout the course of his employment, (Soumayah) was hit
and assaulted by Minnelli repeatedly," dagdag pa nito.
Nagsampa ng hiwalay na demanda si Gest laban kay Minnelli
noong isang taon, sa pagsasabing malala ang pagkakagalos
niya dulot ng madalas na pagbugbog ng kanyang asawa, na
aniya’y may kakaibang lakas kapag nagwawala’t lasing sa
vodka.
Ani
Soumayah, hindi makatarungan ang pagkakatalsik sa kanya
noong Hunyo ngayong taon nang hindi inihahayag ang dahilan.
Nang malaman ni Minnelli na idinidemanda siya, nakipagkita
siya sa kanyang dating chauffeur at umano’y nagwala,
binugbog siya at kalauna’y kumalma at iniutos na
makipagtalik sa kanya, pahayag pa ni Soumayah.
"When (Soumayah) told her it was wrong of her to fire him,
Minnelli became violent and accused (Soumayah) of betraying
her," ayon sa demanda.
"She spat on him and told him that (the late fashion
designer) Halston (his previous employer) would have spat on
him as well," dagdag pa rito.
Hinihingi ni Soumayah ang halagang 50 milyong dolyar sa
damages para sa alleged assaults, 50 milyong dolyar sa
damages para sa sexual battery, at $89,000 ng back wages,
ayon pa sa demanda.
Wala namang komento ang publicist ni Minneli patungkol sa
demanda at sa mga akusasyon dito.
Courtney Love
inosente raw sa pananakit sa babaeng musician
LOS
ANGELES (AFP) – Naghayag si US actress-singer Courtney Love
ng kanyang pagiging inosente sa pananakit ng isang babaeng
musician gamit ang whiskey bottle sa tahanan ng dating
kasintahan nito.
Itinanggi ng 40 taong gulang na biyuda ni rock legend Kurt
Cobain ang isang charge ng assault gamit ang nakamamatay na
armas laban kay Kristin King sa madaling araw ng Abril 25.
Inutusan ni Los Angeles Superior Court Judge Terry Green si
Love na bumalik sa korte sa Disyembre 15 upang magtakda ng
petsa para sa kanyang criminal trial. Nananatiling
malaya ang dating Hole frontwoman sa bail na 150,000 dolyar.
Sinabi ni King sa korte noong isang buwan na binuhusan siya
ng mang-aawit ng whiskey, binato ng bote sa kanyang ulo at
ginalusan siya gamit ang mga kuko nito nang sugurin siya.
Pumatong ang isang "angry, vicious and erratic" Love kay
King matapos nitong makita ang huli na natutulog sa couch ng
dating kasintahan ni Love na si Jim Barber sa Los Angeles.
"(She) picked up a (Johnnie Walker) Red Label bottle of
whiskey and dumped it all over me. She threw the bottle at
the left side of my face," ani King.
Matapos nito’y "(Love) picked up a big candle that was lit
and threw it at the back of my head."
Kalauna’y inupuan ng actress-singer si King, sinabunutan
ito, ibinaon ang mga kuko sa braso nito, kinalmot ito, at
dinakma ang kaliwang dibdib nito "(in the) worst pinch I
ever had," pahayag ni King.
Ani
King, nagawa rin niyang makatakas mula sa pagkakahawak ni
Love at lumisan na may dalang cell phone na kanyang ginamit
para tawagan ang mga pulis. Agad na naaresto si Love.
Ayon sa umano’y biktima, nagdulot ng mga pasa, marka ng kuko,
bukol sa likod ng kanyang ulo at napigtas na ngipin ang
ginawang pag-atake sa kanya.Naghihintay din si Love ng
pagdinig sa hiwalay na akusasyon ng drug possession na
nagmula sa insidente noong Oktubre 2, 2003 kung saan
inaresto siya sa labas ng bahay ni Barber matapos niyang
basagin ang isang bintana nito.
Sa
ikatlong kasong kriminal laban sa kanya, inamin ni Love
noong Hulyo na may sala siya sa pagsasailalim sa
impluwensiya ng droga at nasintensyahan sa drug
rehabilitation program.
Madonna sa
mga tropang Kano: Alis na sa Iraq
LONDON (AFP) – Sa bihirang pagtukoy sa mundo ng pulitika,
nanawagan si US pop star Madonna sa kanyang sinilangang
bansa na palisanin na ang mga tropang sundalo nito mula sa
Iraq, nang kapanayamin siya ng British radio.
"I
just don’t want American troops to be in Iraq, period,"
pahayag niya sa BBC Radio.
"My
feelings are ‘can we just all get out?’," ani 46 na taong
gulang na bituin, na ngayo’y naninirahan sa London kasama
ang kanyang asawang si British film director Guy Ritchie, na
nagsabing naniniwala siyang hindi makatutulong ang digmaang
pinangunahan ng US upang malabanan ang terorismo.
"Global terror is everywhere. Global terror is down the
street, around the block," ani Madonna.
"Global terror is in California. There’s global terror
everywhere and it’s absurd to think you can get it by going
to one country and dropping tons of bombs on innocent
people."
Pinakakilalang paniniwala ni Madonna ang pagsunod niya sa
Kabbalah, isang panatang nakabase sa pag-aaral ng Hebrew
texts na naging popular sa mga nakalipas na taon, lalo na sa
music at film stars.
Sa
ibang paksa, sinabi ng mang-aawit na ipinakita ng nakaraang
US presidential election kung paano ang US society ay
"becoming very divided."
"People are becoming very polarized," aniya. "We have people
who don’t want to think, and who just want to guard what is
theirs, and they’re selfish and limited in their thinking
and they’re very fearful in their choices."
Sinabi ni Madonna na si Wesley Clark ang kanya sanang napili
para sa pagkapangulo, na nadaig sa Democratic nomination ni
John Kerry.
"I
thought very carefully about it. I thought Wesley Clark had
the best leadership qualities," aniya.
"If
he had the same political experience as Kerry he could have
bridged that gap."
Leonardo
DiCaprio mercenary na
LOS
ANGELES (AFP) – Isang pelikulang aksyon tungkol sa
lumalaking papel ng mga mercenary sa mga digmaan ang ipo-produce
at pagbibidahan ni US screen superstar Leonardo DiCaprio,
ayon sa entertainment press.
Nais ng "Titanic" icon, na ngayo’y aktibo sa pulitika nang
suportahan niya ang kampanya ng US presidential candidate na
si John Kerry, na paghaluin ang mahahalagang elemento ng
isang screen thriller sa tema ng outsourcing war, ani Daily
Variety.
Isusulat ni Scott Burns ang nasabing pelikula, na popondohan
ng Initial Entertainment Group at Beacon Pictures, na siyang
magpo-produce ng pelikula kasama ang production firm ni
DiCaprio na Appian Way.
Bida ang 29 taong gulang na si DiCaprio, isang masigasig na
environmentalist, sa istorya ng buhay ni US billionaire
Howard Hughes, "The Aviator," na ipinalabas sa North America
noong isang buwan.
Hollywood
isasapelikula ang nobela ni Garcia Marquez
LOS
ANGELES (AFP) – Isasagawa na ng New Line Cinema sa Hollywood
ang pinakahihintay na pelikulang bersyon ng best-selling
novel ni Nobel Prize-winning author Gabriel Garcia Marquez
na "Love in the Time of Cholera."
Nakuha ng studio ang rights sa 1985 novel mula sa producer
na si Scott Steindorff, na nakipagkasundo kay Marquez sa
isang multi-million-dollar deal. Labinlimang taong
tumanggi si Marquez na ibenta ang kanyang gawa sa Hollywood,
ayon sa studio noong Nobyembre 8.
Napabalitang tinanggihan ni Marquez ang may 50 alok na
gawing pelikula ang kanyang romantikong nobela.
"This is one of the world’s most romantic stories," ani New
Line executive Mark Ordesky. "It is timeless, and its appeal
knows no borders," banggit niya sa isang pahayag.
Isinasalaysay ng nobela ang istorya ni Florentino Ariza, na
naghintay ng mahigit kalahating siglo para makamit ang kamay
ng babaeng kanyang minamahal.
Si
Oscar-winning writer Ron Harwood, na nagsulat ng screenplay
para sa "The Pianist," ang siyang gagawa ng screenplay
adaptation nito.
Sisimulan naman daw ng New Line, na nag-produce ng mega-hits
gaya ng "Lord of the Rings" trilogy, sa lalong madaling
panahon ang pagbubuo ng pelikulang bersyon ng nobela.
|