Tomo 6
Numero 5
December 2004

 

Home About Us Site Map Contact Us Archives

Sila na ba?

Marami na ang naiinis sa couple na ito dahil sa patuloy nilang pag-deny na sila na nga. Imagine, ilang beses na nakitang natutulog na ang dalawang ito sa isang condo at kahit saan mo makita si babae ay palagi mong makikitang kabuntot si lalaki.

Ganoon pa man ay patuloy pa rin ang pagtanggi ng dalawang ito sa milagrong nagaganap sa kanilang dalawa.

Madali lang mahulaan kung sino ang mapagtagong couple na ito. Hosts sila ng isang noontime show. Mayabang si lalaki at maganda naman si babae. Kuhang-kuha n’yo na ito!

 

 

Sila na rin ba?

Parang super glue naman ang pagsasama ng dalawang guwapitong ito kaya hindi maipagkaila na ‘sila na nga.’ Kahit saan mo makita ang isa sa kanila ay hindi maaaring wala ang isa.

Kamakailan ay marami ang nagulantang nang makita silang dalawa na gumagawa diumano ng milagro sa loob ng isang dressing room. Namutla raw sa gulat ang dalawa nang may makatuklas sa kanilang ginagawa. Ganoon pa man ay nanatiling ‘friends’ lang daw sila.

Parehong produkto ng artista search ang dalawang ito kaya nga guwapo talaga sila. Miyembro rin sila ng isang noontime show. Madalas silang ‘pagkamalan,’ pero siyembre, aamin ba sila?

Home | About Us | Site Map | Contact Us | Archives
MAIN : Philippine News | Asian News | Migranteng Pinoy | Editoryal / Opinyon | Community News | Commentary | Pinoy Sports
LIFESTYLE : Pusong Pinay | Lakbay Pinoy | On Focus | Horoscope | Lathalaang Ginto | Maikling Kuwento | Beauty | Buhay OFW | Lunti  
SHOWBIZ :
Silangan Entertainment | Q & A | Ricky's Diary | Showbiz ka ba | Star Files | Tell no Tales | Hollywood Spills | Gets N'yo
INTERACTIVE :
Guestbook | Silangan Forum | Shopping

Powered by: 
Silangan Shimbun Web Admin
 

Silangan Shimbun
© 2003 - All Rights Reserved.