A.
Simula sa ika-2 ng Disyembre 2004, ang mga multa para sa mga
sumusunod na mga paglabag at tataas na:
1.
para sa illegal entry, overstay, unqualified activities,
etc., ay mumultahan ng 3 million yen:
-
para sa mga pumasok ng Japan gamit ang pekeng passport o
ibang pampublikong dokumento o binagong passport o sa
pagpasok ng Japan ng palihim o jump-ship (illegal entry);
-
pamamalagi sa Japan nang labis sa ipinagkaloob na panahon
(overstay);
-
pagtratrabaho sa mga establisimiyentong pang-aliwan, para sa
mga 18 taon gulang pataas, para sa mga may hawak na estado
na college student (unqualified activities)
2.
paghihikayat ng ipinagbabawal na pagtatrabaho ay mumultahan
ng 3 million yen
3.
paggawa ng isang trabaho maliban doon sa pinahihintulutan ng
visa ay mumultahan ng 2 million yen
B.
Ang patakaran para sa panahon na pagbabawalan ang isang
banyaga na muling makapasok ng Japan ay babaguhin ayon sa
sumusunod:
1.
kung ang banyaga ay may dating deportation record na o
sentensya ng korte para sa isang krimen at muli na naman
nahuli: 10 taon;
2.
kung ang banyaga ay wala pang deportation record o criminal
record at sumuko ayon sa sariling kagustuhan: 1 taon;
3.
kung ang banyaga ay pinaalis ng Japan dahil naaresto ng may
kapangyarihan o dahil sa ano pa mang rason ngunit walang
deportation record o utos ng pagpapa-uwi: 5 taon;
C.
Ang isang banyaga na tumagal ng labis sa ipinagkaloob na
panahon ng pananatili sa Japan ay maaring makaalis mula
Japan, ayon sa sariling kagustuhan (voluntary departure),
kapag nasunod ang mga sumusunod na alituntunin:
1.
Ang banyaga ay malayang humarap sa tanggapan ng Japanese
Immigration na may layong lisanin ang Japan;
2.
Ang banyaga ay hindi sumasailalim sa alin mang kategorya ng
deportasyon maliban sa overstaying;
3.
Ang banyaga ay hindi pa nahatulan ng pagkabilanggo sa salang
larcency (pagnanakaw) o iba pang krimen habang nasa Japan;
4.
Ang banyaga ay walang record ng deportasyon o pag-uwi dahil
sa isang departure order;
5.
Ang banyaga ay tiyak na aalis mula Japan sa lalong madaling
panahon (sa pagprisinta, kinakailangan na mayroon ng valid
passport o travel document at pera pambili ng ticket pauwi).