M
atapos
ang ilang taong hindi pagkikita, isang kapana-panabik na
enkwentro ang nangyayari sa mga magkakaibigang nawalay ng
napakatagal na panahon. At isa sa kapansin-pansin dito ay
ang pag-uusap tungkol sa pagkakaroon ng ibang itsura ni
ganito at ang lubusang pagpayat ni ganun. Dati-rati’y ang
mga taong ito ang siyang nakikinig lamang sa mga usap-usapan
tungkol sa pagpapaganda’t pagpapa-slim, subalit sa ganitong
pagkakataon ay sila naman ang siyang pinakikinggan.
Sa sitwasyon ko, isa sa mga
natutunan ko mula sa mga enkwentrong ganito ay ang
naka-iintrigang pagtatanggal ng balde-baldeng taba sa
katawan. Naririyan ang mga nagsasabing natuto na daw silang
magbilang ng kani-kanilang mga calorie intake at mag-compute
ng kani-kanilang mga body mass indices, basal at active
metabolic rates. Naririyan din naman ang ilan na nagsasabing
natuto na daw silang gumawa ng kanilang sariling fitness
regimen kung saan sinisigurado nilang naa-achieve nila ang
kanilang tamang heart rate habang sinasabayan ito ng aerobic
exercises at stretching. Ang iba naman ay nagsasabing
gumagamit sila ng tinatawag na breathing instrument na
siyang tulad ng isang whistle o pito na binubugahan sa bibig
ng mahigit sa apatnapung (40) beses araw-araw habang sa
ilong naman humihinga. Naririyan din ang mga umamin sa
paggamit o pagsubok ng ilang gamot na pampapayat.
May nagsasabing sumusunod daw
sila sa tinatawag na Atkin’s Diet, na siyang inilunsad ng
batikang doktor na si Dr. Robert Atkins at siyang ginagamit
ng madaming taga-kanluraning bansa. Tulad ng South Beach
Diet na tinatawag, ang teorya sa likod ng diet na ito ay ang
mga pagkaing carbohydrates ang siyang nagdudulot ng
pagpapataas ng insulin level sa katawan na siyang nagdudulot
sa mga cells upang mag-store ng taba. Ang Atkin’s diet ay
nagpo-promote ng pagkain ng mga pagkaing mayaman sa protina
at pagbabawas ng carbs na siyang nagdudulot upang maglabas
ang katawan ng tinatawag na ketones at siya ring signo na
ang katawan ay nagsusunog ng taba. Subalit hindi madali ang
paraan na ito dahil kinakailangan ng matinding pagbabantay
sa kinakain at sa duration ng mga phases ng programa.
Ang higit na interesting na
paraan ng pagpapapayat na aking nakalap ay ang simpleng
regimen na tinatawag na LOW CARB DIET (LoCD) na
maihahalintulad sa Atkin’s Diet. Ang teorya ng diet na ito’y
habang nagda-digest ang katawan ay ginagamit ng mga muscles
ang mga carbohydrates bilang energy fuels upang ma-repair
ang mga tissue na nagamit sa ginawang activity. Kung walang
activity, ang mga carbs ay naiipon na siyang nagiging taba.
Kung lilimitahan ang pagkain ng carbs, mapipilitang gamitin
ng mga muscles ang mga naipong taba sa katawan na siyang
nagreresulta sa pagsusunog ng taba. Sa panahong ito, higit
na mabisa ang mga gagawing ehersisyo sa pagpapayat.
Sa unang bahagi ng LoCD
inaasahan ang matinding pagbabawas ng liquid sa katawan na
siyang nagdudulot ng pagbabawas ng mahigit sa walong (8)
pounds sa unang linggo. Ang unang bahagi na kailangang
magtagal lamang sa loob ng dalawang (2) linggo ay panahon
kung kailangan kailangang umiwas sa kahit anong pagkain na
mayroong carbohydrate at sugar tulad rice, pasta, bread,
noodles, whole grains, cereals, potatoes, cookies, biscuits,
sweets, milk, dairies pati na din ang yogurt, at ilang mga
fruits at vegetables. Kailangang gawin ito sa loob ng
dalawang linggo upang hindi maapektuhan ang function ng
inyong mga liver. Sa phase na ito, kailangan pa din kumain
ng tatlong beses sa isang araw subalit limitahan lamang sa
mga pagkain tulad ng meat, fish, poultry, eggs, nuts, green
salad, at tofu.
Ang ikalawang bahagi ay kapag
nakamit na ang patuloy na pagbabawas ng timbang. Subukan
dagdagan ang intake ng carbohydrate subalit limitahan lamang
ito sa pagkain ng ilang fruits at vegetables. Pagkatapos
nito, mag-set ng target weight.
Kapag
nakamit na ito, tumungo sa ikatlong bahagi kung saan
kailangang i-maintain ang timbang na nais. Dagdagan ang dami
ng carbohydrates subalit limitahan sa pagkain ng mga fruits,
vegetables at paminsan-minsan complex carbs. Kasama ng
ikatlong bahagi ay ang pag-inom ng madaming-madaming tubig,
higit sa walong baso araw-araw, pagkakaroon ng 10-30 minute
workout araw-araw at ang pagtulog ng 6-8 hours.
Ayon
sa mga eksperto sa Rockefeller University, Cornell Medical
College, at American Diet Association, higit na pag-aaral
ang isinasagawa upang malaman ang epekto ng ganitong diet sa
kalusugan. Habang ang madaming mga kakilala ang
masayang-masaya sa resulta, ipinapayo na alagaan ang bahagi
ng katawan na maaaring maapektuhan ng ganitong diet tulad ng
liver at intestines. Bukod dito, maaaring magkaroon ng
problema sa metabolism at dehydration.
Sa pag-aaral ng Harvard Medical
School ang diet na ito’y mahusay sa pagpapababa ng cases ng
pagkakaroon ng heart disease dahil ito’y nagpo-promote sa
mga pagkaing dagat na mayaman sa omega 3 at polyunsaturated
fatty acids. Mapapansin din na sa pagpapapayat na ito higit
na mabilis ang pagbabawas ng timbang habang hindi naman
nabibigla ang katawan sa transisyon na ginagawa ng diet.
Kasama pa dito, maaaring kainin ang kahit anong pagkain
liban nga lamang ang carbs na siyang magandang feature ng
programang ito dahil hindi siya nagdudulot ng mental torture
ng pagkain sa mga dieters.
Para sa mga ilang sumubok sa
programa, napaka-epektibo, madali at masayang gawin ang
LoCD. Kitang-kita nga naman sa napakalaking ipinagbago ng
kanilang katawan pati na din ng kanilang pagdadala sa
kanilang sarili na ang programa’y mahusay na paraan ng
pagpapaganda.
--------
Kung
may katanungan o suhestiyon, sumulat lamang sa
wnangpi@silangan-shimbun.com.